{



 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog inRules

 

 US sa China, Japan: Maging mahinahon

Go down 
AuthorMessage
jhomsxxx
Co-Administrator
Co-Administrator
jhomsxxx


Posts : 312
olworker points: : 41
Join date : 2012-08-02
Location : kalaw manila

US sa China, Japan: Maging mahinahon Empty
PostSubject: US sa China, Japan: Maging mahinahon   US sa China, Japan: Maging mahinahon EmptyWed Sep 12, 2012 4:58 pm

Nakisawsaw na rin ang Amerika sa umiigting na tension sa pagitan ng China at Japan dahil sa pinag-aagawang isla sa East China Sea.

Nanawagan ang Washington sa magkabilang panig na pairalin ang hinahon lalo na at ang rehiyon ay kabilang sa sentro ng global economy.

Ayon kay Assistant Secretary of State Kurt Campbell, mahalagang mapanatili pa rin ang kapayaan sa lugar.

Agad namang nilinaw ni Campbell na siyang top diplomat ng Amerika sa East Asia na walang kinakampihan ang Estados Unidos.

''The stakes could not be bigger and the desire is to have all leaders to keep that squarely in mind,'' ani Campbell sa pagsagot sa katanungan sa debate na ginanap sa Centre for Strategic and International Studies.

Una rito, nagpadala ang China ng dalawang patrol ship malapit sa isla ng Senkaku (Diaoyu sa China) kasunod ng hakbang ng Japan na bilhin ang tatlong isla mula sa isang private Japanese owner.

Dito na nagalit ang China Defense Ministry at sinabing matibay ang kanilang determinasyon na ilalaban ang teritoryo ng kanilang bansa.

Liban sa pag-angkin ng China sa mga isla ito rin ay inaako ng taiwan.

"The Chinese government and armed forces stand firm and are unshakeable in its determination and will safeguard sovereignty over the nation's territories," pahayag ng ministry spokesman na si Geng Yansheng sa Xinhua news agency. "We are watching closely the evolution of the situation and reserve the right to take reciprocal measures."

Pero sinabi naman ng Japan kaya nila binibili ang mga isla upang i-promote ng maayos ang lugar.

"We have absolutely no desire for any repercussions as far as Japan-China relations are concerned. It is important that we avoid misunderstanding and unforeseen problems," wika ni Chief Cabinet Secretary Osamu Fujimura.

Kinumpirma rin ni Fujimura na ang kanilang gobyerno ay naglaan ng 2.05bn yen ($26m, £16.4m) bilang pambayad sa tatlong isla.



LINK




Back to top Go down
http://www.twelvesixtystreet.blogspot.com/
 
US sa China, Japan: Maging mahinahon
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Land of the rising sun: Japan
» The Next Battlefield Will Be The South China Sea.. Us Diplomat..

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
olworker.canadianforum.net :: 

General Discussion

 :: News and Public Affairs
-
Jump to: