{



 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog inRules

 

 CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP

Go down 
2 posters
AuthorMessage
jhomsxxx
Co-Administrator
Co-Administrator
jhomsxxx


Posts : 312
olworker points: : 41
Join date : 2012-08-02
Location : kalaw manila

CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP Empty
PostSubject: CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP   CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP EmptyMon Oct 15, 2012 2:15 am

ugatan ang ulo, nangi­ngitim ang magkabilang mata at nabasag din ang nguso ng isang binatang call center agent na pinahirapan nang husto ng tatlong lalaking humarang at nangholdap sa kanya habang naglalakad sa madilim na bahagi ng kahabaan ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Inoobserbahan ngayon sa Cardinal Santos Medical Center ang biktima na nakilalang si Marc Angelo Jocson y Perez, 31-anyos, at taga-Cityland, Wack-Wack, Mandaluyong, dahil sa grabeng pinsalang ina­bot matapos pagtulungan ng tatlong holdaper na bugbugin at patraydor na hinataw ng matigas na bagay sa likuran ng kanyang ulo.

Bagama’t nahihirapan pang magsalita, nagawa pa rin ng biktima na maikuwento kina SPO3 Edmund Fabela at PO3 Donald Bañes, mga imbestigador ng Criminal Investigation Unit ng Mandaluyong Police, ang naranasang karahasan mula sa tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper.

Galing umano sa kanyang trabaho bilang call center agent ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay dakong alas-4:20 ng madaling-araw at habang nag­lalakad sa kahabaan ng Shaw Boulevard, partikular malapit sa Petron gasoline station ay bigla siyang hinarang ng isang lalaki.

Dahil may konting nalalaman sa self-defense, pumalag ang biktima at ni­labanan ang suspek na inakala umano niyang nag-iisa lamang. Ngunit mula sa likuran ay mayroong pu­malo ng matigas na bagay sa kanyang ulo at kasunod nito’y pinagsusuntok na siya ng tatlong kalalakihan hanggang sa mawalan ng malay.

Huling natatandaan umano ni Jocson bago tuluyang nawalan ng malay na pinagtutulungan siya ng mga suspek. Nagkamalay siya ay nasa ospital na at nilalapatan ng lunas.

Nadiskubre rin na nawawala ang mamahaling Samsung cellphone ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek.

“Sa Cardinal Santos na lang namin pinuntahan ang biktima dahil tumawag dito sa police station. Grabe ang tinamong tama ng biktima hindi na niya alam ang nangyari sa kanya, kasi pinagtulungan siya, hirap na hirap magsalita dahil basag ang nguso niya,” pahayag ni PO3 Bañes.

Pinuntahan umano ng dalawang imbestigador ang lugar kung saan nangyari ang insidente ngunit wala silang makuhanan ng impormasyon.

“Wala kaming makuhanan man lang ng kahit konting impormasyon kasi madilim sa lugar na iyon at talagang walang katau-tao,” ayon pa kay PO3 Bañes.



LINK



Back to top Go down
http://www.twelvesixtystreet.blogspot.com/
yoshina101




Posts : 147
olworker points: : 75
Join date : 2012-09-04

CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP Empty
PostSubject: Re: CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP   CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP EmptyMon Oct 15, 2012 11:05 am

tst tsk tsk grabe sana hinde na nanlaban ....kung kelan naman malapit na magpasko kakatakot naman malapit pa naman kami sa Shaw Sad
Back to top Go down
jhomsxxx
Co-Administrator
Co-Administrator
jhomsxxx


Posts : 312
olworker points: : 41
Join date : 2012-08-02
Location : kalaw manila

CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP Empty
PostSubject: Re: CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP   CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP EmptyTue Oct 16, 2012 4:16 am

kaya nga tol.. sana nd na sya nanlaban...
mga peste talaga mga holdaper na yan...
pag nahule nmn sila akala mo kung sino mga kawawa
at nagawa lang daw nila un dahil sa walang makain....
grrrrrrrrr
Back to top Go down
http://www.twelvesixtystreet.blogspot.com/
Sponsored content





CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP Empty
PostSubject: Re: CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP   CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP Empty

Back to top Go down
 
CALL CENTER AGENT TINORTURE SA HOLDAP
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
olworker.canadianforum.net :: 

General Discussion

 :: News and Public Affairs
-
Jump to: