{



 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog inRules

 

 Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol

Go down 
4 posters
AuthorMessage
jhomsxxx
Co-Administrator
Co-Administrator
jhomsxxx


Posts : 312
olworker points: : 41
Join date : 2012-08-02
Location : kalaw manila

Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty
PostSubject: Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol   Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol EmptyWed Oct 03, 2012 4:53 am

Mahilig ba kayong kumain ng kamote? Nangangamba ba kayong kumain ng kamote dahil ito’y nakakautot?

Alam ba ninyo na bukod sa sustansyang taglay ng kamote ay mainam din itong pampababa ng kolesterol?

Sa ginawang pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), sa anim na lamang ugat tulad ng kamote, kamoteng kahoy, gabi, ube at tugi, ang kamote at kamoteng kahoy ay may mahalagang epekto sa total blood cholesterol levels.

Ang kamote ay isa sa malimit itanim dito sa Pilipinas dahil ito ay itinuturing na isa rin sa mga pagkain o staple food gaya ng kanin at tinapay.

Ang kamote ay mayaman sa carbohydrates at carotene katumbas ng Bitamina A depende sa kulay nito.

Ang dilaw na kamote ay mayaman sa carotene kumpara sa puti at lila na uri. Samantala ang puting uri ng kamote ay mas mayaman sa kalsyum kaysa sa dilaw na uri.

Mas mataas din ang taglay na iron at Bitamina C ng putting kamote kaysa dilaw na uri.

Ang lilang kamote ay may pinakamataas na taglay na bitamina kaysa sa dilaw at puti na uri.

Nasasaad sa Gabay para sa Wastong Nutrisyon ng mga Pilipino na kumain ng mas maraming gulay, prutas at lamang ugat.

Laging tandaan na ang kamote ay di lamang masustansya nguni’t mura din ito. At normal lang ang umotot!


LINK



Back to top Go down
http://www.twelvesixtystreet.blogspot.com/
yshii

yshii


Posts : 208
olworker points: : 379
Join date : 2012-09-19
Age : 40
Location : Asingan,Pangasinan, Phil.

Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty
PostSubject: Re: Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol   Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol EmptyThu Oct 04, 2012 1:15 pm

naku masustansya talaga ang kamote.salamat sa info author.iba iba pala nutritional value ng kamote ayon sa kulay neto.
Now i know.dagdag kaalaman.
Back to top Go down
yoshina101




Posts : 147
olworker points: : 75
Join date : 2012-09-04

Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty
PostSubject: Re: Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol   Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol EmptyThu Oct 04, 2012 3:41 pm

nice info isama mo na dyan ang talbos ng kamote para sa mga nag ddiet Smile
Back to top Go down
litemeon
Moderator
Moderator
litemeon


Posts : 1174
olworker points: : 24
Join date : 2012-08-04
Age : 35
Location : laguna

Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty
PostSubject: Re: Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol   Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol EmptySat Oct 20, 2012 1:42 am

thnak you sa info bihira lang ako kumain nyan kamote na violet ang gusto ko ayoko nung puti
Back to top Go down
http://mcent.com/ref/3JW99W/
Sponsored content





Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty
PostSubject: Re: Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol   Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol Empty

Back to top Go down
 
Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
olworker.canadianforum.net :: OLWORKER EARNING AND GAMING THREAD :: 

CREATING THREAD INCOME

-
Jump to: